Saturday, November 7, 2015

10 Mga Nakakaasar na Eksena sa Jeepney


1)      Yung pilang daig pa ang blockbuster movie sa sinehan tapos yung mga kapwa mo
pasaherong kakarating lang ay dumiretsong sakay pagkadating na pagkadating.

2)      Yung ipinagssisikan ng drayber na 9 talaga ang dapat makaupo kahit wala ng mapaglagyan. Sabi pa, 'Kaya yan, tiwala lang'. Saveey?!

3)      Yung sinasabihan ka ng drayber na galaw-galaw nalang para magkasya. Eh, Kuya ang sikip na nga diba! Paano pa makakagalaw!

4)      Yung mga pasaherong di marunong mag-abot ng bayad. Di mo matantiya kung busy o wala lang talaga sa sarili.

5)      Yung mga drayber na di marunong mag-abot ng sukli.

6)      Yung mga Mamang mahilig sa manspreading. Yung totoo Kuya gaano ba kalaki yang sayo at kung makabukaka ka diyan ay wagas habang si Nanay sa tabi mo ay ipit na ipit?

7)      Yung mga pasaherong insensitib. Imagine sobrang sikisikan sa jeep. Tapos may mga bumaba. Pero siksikan pa rin sa kabila habang ang luwag sa kabila. Ate, makiramdam din pag may time, di puro FB lang.

8)      Yung mga mamang busy sa kaka-COC habang si Lolo ay nakakabit sa jeep. Totoy, baka makahingi ng konting awa sa tuhod ni Lolo.

9)      Yung mga drayber na tamad huminto. Pumara ka na sa babaan at lahat dire-diresto pa rin. Ayan tuloy kailangan mo pa sumakay ulit pabalik sa sobrang layo ng hinituan.

10)   Yung mga pasaherong kung makasigaw ng ‘Para!’ ay parang wala ng bukas. Nagagalit pa kung hindi nakahinto sa gusto niyang pahintuan. Alam namang bawal doon.



You may also like:




4 comments:

  1. O di kaya half ng pwet mo lang ang may privilege na makaupo..
    imagine IC to MSU? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha I got my fair share of that back then :) And it's more or less a 2-hour ride so you could imagine the inconvenience

      Delete
  2. Ang agad ding pumasok sa isip ko ay ang biyaheng MSU-Iligan! Magkakapalit-palit na kayo ng mukha, ipipilit pa rin ni Manong Drayber magpasakay! Hay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahah! Grabe tawa ko dito Ma'am mga bente :)

      Delete